Plok

Ano nga ba ang "Plok"? Ito lang naman ang bagong pinagkakaabalahan namin sa opisina. Naging myembro ako dahil lagi kong nakikita sa facebook ang feed sa website na ito. At dahil halos lahat na ng networking sites ay nasalihan ko na, naisip ko bakit nga ba hindi ako maki-join. Nung una wala akong maciadong ginagawa sa site dahil medyo iba ang interface nya sa usual na networking site. Kahapon, dahil sobrang wala akong magawa naisipan ko ulit i-access ang site at natuwa naman ako dahil masaya naman siya. Dapat konting tiyaga lang sa pag-nanavigate.

Ito na ba ang ipapalit sa Facebook? Hindi naman, mas marami pa rin nagagawa sa facebook kaysa dito. Pede itong mai-compare sa twitter pero mas madali ang chikahan dahil meron siyang chatbox na lumalabas pag na-click mo ang isang status update. Pede mo rin siyang i-connect sa Facebook kung gugustuhin at makakapili ka ng sarili mong template na maari mo ring i-customize. Dahil natuwa ako hinikayat ko pa ang iba kong kaupisina na mag-plok. Naka-plok ka na ba?

Comments

Popular Posts