Petra & Pilar

Maraming beses ko ng ninais masubukan ang lugar na ito. Finally, last week I had the chance! Naririning ko na masarap dito at parang karinderia style kasi kailangan mo munang umorder sa counter then a waiter will arrive with your order. Siguro dahil walang tao kaya may kumuha ng order namin or baka nagbago na sila ng patakaran. Wala akong masabi dahil medyo distracted ako sa mga kasama ko pero overall maganda ang lugar. Hindi ko rin maalala kung anong lasa hindi dahil sa walang akong ganang kumain (haha, si Mishy walang ganang kumain?) kundi dahil katabi ko ang kras ko. OO, tama ang nabasa nyo. Katabi ko ang kras ko. Sa mga nakakaalam, siya nga un! Hi Kras!
 

Naalala ko dati nung unang panahon na nakasama ko ang crush ko uminom sa DigiCafe (Saan lupalop na naman to?). You might be wondering kung sino ang tinutukoy ko. Dapat lang kasi interesado kang basahin tong walang kakwenta-kwentang post na ito. Ito ang tipo ng crush na hindi ako makatulog sa umaga sa kakaisip sa kanya (pang-gabi kasi ako), Hindi rin ako makapagsalita sa pag nasa harap ko sya. (what's new?) Ito ren yung tipo na pinagkalat ko na sa buong bayan ang aking pagtingin pero hindi pa ren nya alam na may gusto ako sa kanya.  Naisip ko lang since self-centered ako at sarili ko lang ang iniisip ko na ganun lang talaga ka-loyal ang mga friends ko. Di ko akalain na alam na pala nya dahil may isang echoserang froglet na bitter ang nagsabi sa kanya. (Inggit kasi walang may crush sa kanya.) Ito ren yun tipo ng crush na lahat na ginawa ko makalapit lang ako at gumagawa talaga ako ng dahilan para malapitan sya kahit limang segundo lang. Hindi ko ren maintidihan kung bakit ko cya gusto. Basta ang naalala ko nun first day ko sa floor nung una ko syang makita ay na love at first sight na ko. At dahil sa may jowa ako ng mga panahon na yun at dahil lagi nya kong sinusungitan, gumagawa ako ng paraan para hindi nya ko lapitan. Nag-aral akong mabuti at never akong na-late para mapansin nya ko in a good way. Habang nag-iinuman kami madami naman akong natanong pero yun mga kagaya ng :

Ano peyborit kolor mo?
Kailan ang birthday mo?

Oo, nakakairita! kahit ako naiirita sa sarili ko. Pati mga kaibigan ko nagalit sa kin pero ano ba dapat ang mga tamang tinatanong? Aba malay ko, ngayon lang kasi ako nagka-gusto sa hindi chatter.

Naalala ko kinabukasan ng inuman na ito ay nagkita ulit kami ng crush na ito sa Providence. (Eto pinahanap ko pa sa taxi ha) at dun ay inaya ko syang manuod ng sine (Wednesday morning, movie day with couple friends) Dahil mga pitong buwan ko rin syang hinabol sa elevator at sa restroom (stalker na stalker ang dating.) natuwa ako dahil sumama sya. Pero dahil nga crush ko cya, wala akong masabi at inisip ko pa na baka may gusto sa kin yun friend nya kasi lagi akong kinakausap even before. Buong umaga simula nung pinuntahan ko sila sa Providence, hindi na nya ko pinapansin (baka kasi dahil hindi ko sya inaya sa Yellow cab?) Bago kami nanuod, nagkape muna kami sa Nescafe Cafe. (Sawa na ko sa Starbucks nun, maiba lang.) At dun pilit nya kong pinaamin kung may gusto ako sa kanya. Dun ko unang naramdaman ang sobrang pananakit ng tiyan na nasa punto na ko na pinagpapawisan at namumutla. (May aircon naman.) Akala ko nga mag-aaya na syang umiuwi dahil pinanindigan ko na wala akong gusto sa kanya. Mahilig si crush na ito sa horror movies, (Waaaa, I hate horror movies! I don't want her to see me flinching and screaming like a girl.) at nung andun na kami sa Glorietta 4, (tandang tanda ko pa talaga kung saan) nagpumilit syang ilibre ako. Syempre dahil ako ang nag-aya gusto ko ako ang magbayad..

Teka medyo nawawala na ko sa Petra and Pilar. Balik sa Petra and Pilar, ang sabi sa kin ni Boss Rio masarap daw un bangus  dun and since gutom kaming lahat dinagdagan pa namin ng crispy pata. Madami naman ang servings ng crispy pata kasi di sya naubos. Hindi ko maintindihan bakit bigla akong nabusog pero hindi ko naubos ang kanin. At hindi ren naubos ang ulam pero ang point ko dito ay : KATABI KO ANG KRAS KO!

Comments

Anonymous said…
petra and pilar na napunta sa ibang lugar..hehehehe..

Popular Posts